Biyernes ng umaga, bandang 7.45am, nagmamadali ako pumunta sa school to attend the mass. Since dito ako galing sa dorm, may kasabay ako na dormer na lumabas from other building. Nauuna siya sa akin lumabas ng gate, halos isang way lang kami not until there was this lola na hingal na hingal at napahinto sa paglalakad. Kinausap niya ako, may headset pa ako na suot noon at hindi ko siya gaano naintindihan. Maayos naman ang itsura niya, isang tipikal na lola na may dalang payong. Tinanong niya ako kung may kilala ba ako na mairerekomendang blood donor. May alam ako na pwede irekomenda, pero sa laguna pa ito mapupuntahan. Sabi ko nga kay lola, sa red cross blood bank ay meron. Naawa ako lalo ng marinig ko na kailangan ng apat na tao na blood donor para makalibre siya sa procedures na gagawin sa nag iisa niyang anak. Sabi daw ng doctor ay kailangan na talaga ng dugo ng anak niya dahil sa sakit na leukemia at dumudugo na din ang ilong nito. Lalo ako nanlumo ng marinig ko na kailangan lamang ng walong daaang piso para sa dugo (red cross blood bank), at sabi pa niya ay wala siyang kapera pera kaya siya ay naglalakad na lamang (marahil ay maliit na halaga lamang ito para sa mga taong may kaya). Ng inabutan ko ng isang daan piso para maka tulong na sa kanya at para makaumpisa na ng ipon niya, humagulgol siya ng iyak sa harapan ko. Naiiyak na din ako sa itsura ni lola habang nagpapasalamat siya sa akin, halos gusto na niya ako yakapin sa pasasalamat niyang iyon. Idinamay pa niya ang Diyos para mabasbasan ako sa kabaitan ko daw na ginawa. Hindi din naman daw niya kasi alam kung paano niya ako mababayaran. Habang umiiyak na si lola noon, may mga nakaparadang pedicab sa likod niya at nandoon ang mga drivers nito. Napansin ko din na nagtatawanan ang mga drivers at tinuturo si lola na parang nang-aasar pa sila. Hindi ko na sila pinansin, dahil kahit ako, hindi ko din masabi kung totoo ba talaga ang sinabi ni lola sa akin o nagpapanggap lamang siya. Kung panggap man iyon, sana'y matakot naman siya at dinamay pa niya ang Diyos at may salitang Karma na walang sinisino. Pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga driver na iyon. Naisip ko din naman na sa hirap ng buhay ngayon, kung ako man ang nasa kalagayan niya, marahil ay gagawin ko din kung ano man ang ginagawa niya para sa nag iisang anak niya. (Habang ginagawa ko itong entry na ito, nag flash back sa isipan ko kung ano ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw. Dahil mismong aking mga magulang ay tinulungan ako, tiniis nila ang pagod at hirap para sa kanilang nag iisang anak. Kahit sinong magulang ay gagawin ito kapag nangangailanagan na ang kanilang mga anak. Hinding hindi nila ito matitiis. Kaya todo pasalamat din ako sa sarili kong magulang. Walang materyal na bagay ang maibabayad sa mga tulong nila sa akin.) Hinagod ko na lamang ang likod ni lola para mapatahan siya. Sa huli niyang pasasalamat sa akin, nag lakad na din ako papalayo sa kanya. Hindi ko na siya nilingon dahil ayoko na din mabigo kung may makita man akong hindi kanais nais. At habang nasa misa ako, ipinag dasal ko na lamang na sana ay totoo lahat ng nadinig ko at gumaling ang kanyang nag iisang anak.
- tugma ang pangyayaring iyon sa sarili kong buhay. Sa totoo lang, hindi masusuklian ng kahit sinong anak ang ginagawa ng mga magulang mapasaya at mapaganda lamang ang buhay ng kanilang mga anak. Gagawin din nila ang lahat mabigay lamang ang kagustuhan ng anak.
Hindi man namin maipakita ng malinaw at kaagad agad ang pagmamahal sa aming mga magulang, nasa puso naman namin kung gaano namin sila kamahal.
Friday, May 28, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)