Sa totoo lang, hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong mahal natin ang saktan tayo o kaya naman ay ang mga bagay na bigla nalang mawawala. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo. Minsan kailangan din natin tanggapin na sa paniniwala nila, ito ang makakabuti at ikasasaya nila.
Mahirap ang maiwanan, masakit diba? mahirap din ang mangiwan, dahil masakit at nakakakonsensya… Pero mas dun ka sasaya kung yun ang desisyon at maluwag iyon sa loob mo.
Hindi mo magagawang makasakit at mangiwan ng iba kung alam mo, sa sarili mo, walang ibang bagay o tao ang mas makakapagpaligaya sayo o kung ramdam mo na mas kuntento at kumpleto ang buhay mo kasama sya o ang bagay na yun…
minsan, kailangan mo talaga isakripisyo ang isang bagay o tao para sa ikabubuti mo at ikaliligaya mo… Ika nga nila “you can’t serve two masters at a time.” o “you can’t have it all.” Isa isa lang… Hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo…
—
naransan mo na bang maiwanan at mangiwan pero masaya ka? hindi diba? dahil mahal mo man o hindi, nasa loob mo pa din ang kaba, sakit at konsensyang makakasakit ka.
tama ba na iwan at mangiwan kapalit ng kaligayahan? sabihin na natin na naging sakim ka kung pinili mo mangiwan. pero, mahirap naman siguro ang magdusa at mahirapan sa isang sitwasyong pilit mong iniintindi, inaayos pero ayaw nitong tanggapin ang tama at ang mga di dapat gawin at mga bagay na di para sa kanya.
ikaw? san ka mas liligaya? ang mangiwan o ang maiwanan?
san mas hindi ka makakasakit, o masasaktan? sa mangiwan o iwanan nalang?
sa mundong ito, wala ng madali at mabilis… lahat tayo kailangan natin mag desisyon, mag isip at gumalaw ng tama.
…at hindi din tayo tatama at malalaman ang tama kung hndi tayo matututo sa ating sariling kamalian…
kung maiwanan o mangiwan tayo…
Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa sitwasyon diba? Lahat tayo mararanasang iwanan at mangiwan. Panapanahon lang yan…
wag lang tayo magsisisi, dahil ginusto natin na mapunta sa atin ang taong iyon o bagay man yon.
dahil sa isang banda, naranasan mo din maging masaya… ^_^
No comments:
Post a Comment