...as my journey continues...

Wednesday, February 3, 2010

Someone I used to live with…

Alam ko tapos na ang November at Love month na nga ngayon para maging inspired pa ko to write this kind of entry. But since wala ako masyado makwentuhan ng gantong klase ng pangyayari, dito ko nalang siguro sasabihin lahat. Hindi madali pero wala akong choice, kesa naman itago ko toh at masiraan ng bait sa kakaisip ng mga nangyayari- hanggang ngayon.

I was 4 years old when I had my first encounter with these entities. I had high grade fever for two weeks. Hindi ko na masyado matandaan lahat ng mga nangyari noon. Alam ko lang, I was rushed to the hospital and had a blood test, baka nga naman dengue, but the result was negative. Since my parents are both doctor, they hardly believe with those kind of entities. But my mom is a pure bicolana, so I guess, somehow may alam siya sa mga ganung bagay. She called our family friend Tita E to check up on me. She did this thing with a tawas? Pausok ata ang tawag dun. Tita E saw 3 dwarves in a tree. As I remember, madalas ako maglaro sa harapan ng bahay namin. Outside our house there were these 3 trees at isa sa mga punong yun ay malaking puno ng balite, at sa gitna pa naka pwesto. Dun ako madalas maglaro, at sa naaalala ko talaga nagsasalita ako na parang may kausap. Totoo! Naaalala ko talaga na parang may kausap ako non. Natural ba talaga yun sa mga bata? Hmm… so, tita E advised my parents to cut the tree. Si daddy mismo ang nagputol non, at habang pinuputol yun, kasama nya ako. Haha! Infairness, gumaling naman ako ha. And may alay pang ginawa. Lol. So, what dya think? Totoo kaya yun??

After 4-6 years, tita E warned me. When I reached the age of 13, mas madami na daw ako maeencounter na ganun. Medyo alarmed ako ha, kasi pumunta lang siya sa bahay para kamustahin ako at sabihan ng ganun. Creepy eh??

Ok, I was 14 years old na, at sa totoo lang hindi ko na naalala yung warning ni tita E, not until may kasama na pala ako sa clinic namin na hindi ko nakikita. Yes, may clinic kami sa bahay namin, but it was closed na, so ginawa nalang ito na library at nandun din ang personal computer. Tandang tanda ko, Tuesday night yun, nandun sa clinic namin ang isang set ng encyclopedia. Kailangan ko mag stay dun dahil may mga kailangan ako hanapin na topic. Sa dinami-daming pagkakataon, that night pa hindi naka bukas ang ilaw sa labas ng clinic namin, kaya naman napaka dilim, pero kita naman ang kalsada kaya malalaman mo din kung may tao or wala. While I was busy reading at talagang nakakabingi ang katahimikan, madidinig mo lang ang electric fan ng may biglang sumitsit sakin. Tindig talaga balahibo ko, at sobra ang panlalamig ko! First time ko maramdaman yun, sa takot at gulat!! Wala naman kasi guamagawa sakin non eh. (kinikilabutan tuloy ako ngayon. Grr!) hindi din ganun tumawag ang mga tao sa bahay. After few minutes, nawala na yung takot ko ng bigla na naman may sumitsit sakin! Ramdam ko kung gaano kalapit sakin yung tao or kung ano man yung tumatawag sakin, ang lakas kasi! Tumingin ako sa labas ng clinic, wala naman tao. Imposible din talaga na may tao sa paligid or near the clinic, dahil may gate kami bago makapasok sa clinic. My mom was on their room at si ate was busy on laundry. Sa takot ko, tumakbo nalang ako kay daddy at sinabi yun. Syempre, hindi naniwala si dad and he was busy watching basketball game. *sigh* pinalagpas ko nalang yung nangyari that night.

Hindi naman nakakatakot yung bahay namin, pero according sa mga taong dumadaan sa house, bakit daw parang laging walang tao? Hahaha!!! Naisip ko, apat lang kami sa malaking bahay at sigawan kami kung mag usap dahil nga sa laki ng bahay para sa apat na katao. Nakakatakot din daw tingnan, kasi nga ang tahimik at bihirang may makitang tao, pwera nalang kung bubuksan yung gate para sa parking. Haha! Mga chismosang tao nga naman…

Sa clinic again, 3rd or 4th year highschool na ko. I was busy chatting with friends and playing online games. Gabi na naman yun. Ang ganda ng mood ko noon at tawa pa ko ng tawa sa mga kachat ko, hanggang sa may kumatok sa sa screen ng pinto sa clinic. Pero bago pa may kumatok, nadinig ko na si ate na lumabas sa kabilang door to lock our gate. So yun na nga, after ko madinig si ate, may kumatok na malakas at parang galit sa screen, tatlong beses. Dahil nga sa maganda ang mood ko, at hindi ko din kita yung pinto kasi nakatalikod ako, tinanong ko nalang siya, “sino po sila?”, walang sumagot kaya pinabayaan ko nalang ,naisip ko baka pasyente yun na umalis nalang. (yun nalang ang inisip ko, para hindi matakot dahil nga nadinig ko na niLock na nga ni ate yung gate, so dapat wala ng makakapasok pa diba?) Few minutes after, TATLONG MALALAKAS NA KATOK na naman! GALIT NA GALIT yung katok!!! Talagang napatiplag ako sa pagkakaupo ko! Napatingin ako sa screen, walang tao! Huhuhuhu! At ako naman si nag mamatapang, nilapitan ko pa talaga yung screen at binuksan! WALANG TAO! Wala akong nadinig na yabag para malaman kung may nantitrip lang sakin. Ng mahimasmasan ako after few seconds, SUMIGAW na ko!!! Nagpuntahan na sina dad at ate sakin sa clinic! Hindi na nga kasi ako makagalaw after realizing na walang tao at may kumatok na galit na galit sa may pintuan! Grr! Umiyak nalang ako sa takot ko. Sinabi ko na may kumatok sa may screen, kaya naman my dad checked on our house at wala naman daw siyang nakitang tao. I asked ate kung nakaLock na yung mga gate and she said yes. Hindi ko talaga makakalimutan yung katok nay un, parang ayaw niya talaga ako sa clinic mag stay. After that incident, BIHIRA na ko pumunta sa clinic. Kung sino man yun, mas ok siguro kung makit ako nalang siya. Huhu! 

Second year college, first semester. I was staying on my condo unit near St. Lukes Hospital (mabilis lang malaman kung saan yun.). I was having my dinner while si ate naman ay busy watching tv. Busy ako kakakain at nadidinig ko lang yung tv ng biglang tumunog yung kampana, tunog pampatay yung kampana ha. Nagulat ako, I asked ate kung anong time yung mga misa sa dalawang simbahan na malapit sa condo, and she said na hindi naman dinig yung kampana sa Christ the king at wala naman daw misa na pang gabi sa may Trinity College (that time wala talaga, ginagamit lang yung chapel doon kung may event. I must know dahil ang ex bf ko ay graduate doon.). Kinilabutan ako, tinanong ko pa si ate kung nadinig niya yung kampana, wala naman daw siyang nadidinig. So bumalik nalang ako sa pagkain ko, hanggang sa may nadinig ako na whisper “tulungan mo ko ateeeeehhh….”, whisper na pahina ng pahina. Hindi ako natakot, naisip ko nalang, “ah ok, a girl just died.”, napa sign of the cross nalang ako. Sinabi ko kay ate na may nadinig ako na batang babae na humihingi ng tulong. Sabi naman niya, wala naman daw talaga siyang nadidinig, tinatakot ko lang daw sarili ko. Ok, hindi siya naniwala and I’m expecting it naman. Ano ako? Sira ang ulo para takutin ang sarili ko? Sino ba may gusto matakot ng ganon diba? Hmmpp…

Third year college, after first semester. Bakasyon for two weeks ata? I missed my room. I have this watch on my room. Sa totoo lang, walang nagtatagal na wall clock sa kwarto ko, ewan ko ba kung bakit. After ilang days, kahit bago yung wall clock and batteries, sira na naman! Bigla nalang hihinto yung clock. So, that time nakahinto yung clock sa 2.45. Madaling araw, tulog ako pero pakiramdam ko umaangat yung kama ko kaya bigla ako nagising, tiningnan yung wall clock ko (naka set siya sa 3 kahit hindi gumagana) at nung umalis ako sa kama ko, pakiramdam ko tumalon ako at dumerecho ako sa pinto ko, hindi ko mabuksan yung lock ng door ko kaya ang ginawa ko binuksan ko yung ilaw at tinitigan for 2 mins. yung buong room ko at bumalik ulit ako sa pag tulog. Pagkagising ko ng umaga, tanda ko lahat ang nangyari, pero pagtingin ko sa wall clock, nasa 2.45 ulit naka set. *sigh* Kinabukasan, medaling araw, nangyari ulit yun. Parehas na parehas ulit ang mga nangyari, pwera nalang sa kung pano ako nagising. Nagising ako dahli ang pakiramdam ko, nakadikit na ko sa ceiling ng kwarto ko, pakiramdam ko ang taas na ng kama ko. So umulit lang ulit yung pagtalon ko mula sa kama, di ko mabuksan yung lock ng pinto ko, binuksan ang ilaw, naka set ulit sa 3 yung wall clock, at tinitigan lang ulit ang buong kwarto. Bumalik ulit ako sa pagtulog ko, at pagkagising ko naka set ulit sa 2.45 ang clock ko. Two days magkasunod na nangyari tuwing 3am… buti nalang at pabalik na ulit ako ng manila that time kaya na-divert ang attention ko sa aactivities sa school. Matagal ko din itinago ang nangyari, hindi ko kaagad masabi sa parents ko dahil nga sa hindi naman sila maniniwala. At hindi biro yung nangyaring yun sakin, kung ano man yun at kung ano man ang dahilan kung bakit nangyari yun, ayoko lang mangdamay ng ibang tao.


Summer 2009. Madaling araw kami lumuwas ng kinakapatid ko sa manila galing laguna. Nakarating kami ng 5 or 6am. Natulog muna kami dahil 7 at 9am pa naman ang pasok namin. Ok, pumasok kami on time ni pated. Pag balik ko ng lunch time sa room namin, nagtaka ako dahil hindi naka double lock ang pintuan namin sa labas, at pagpasok ko ng room ay naka bukas din ang a/c! Naisip ko nalang na lumabas lang si pated at babalik din. Inaantay ko siya, nakatulog at nagising nalang ako, wala pa din siya. Pinatay ko nalang ang a/c at nidouble lock ko nalang din ang pintuan bago ako umalis ulit. Hapon na ng nakauwi ako, nauna ako kay pated umuwi. May inaayos ako na gamit ko ng biglang dumating si pated. Direcho kwento siya tungkol sa mga nangyari sa kanya sa school. After niya magkwento, sabi ko sa kanya na naiwan niyang bukas ang double lock at a/c. Nagulat siya dahil sabi niya sakin na nakita niya akong nakahiga, same position kung pano ako matulog at kung san side ako ng bed lagi. Hindi niya pinatay at sinara dahil ang sarap daw ng tulog ko kaya hindi na din niya ako ginising. Sa takot namin, umalis kami ng kwarto at nag dinner nalang kami sa labas. Gabi nalang kami umuwi para pagdating naming ay matutulog nalang. Ok, so pano na? sino naman kaya yung nakita ni pated na natutulog sa kama ko??? Sino naman sira ang ulo para iwan naka bukas ang a/c at hndi naka lock ang pinto kung wala naman tao diba? At kitang kita ko talaga sa kinakapatid ko ang takot niya, umiyak pa siya habang nasa labas kami that night. Whew!

3rd week of January 2010. Tuesday, 1am na ko natulog. Pinatay ko muna ang desk lamp ko, and then ang main light namin dito sa kwarto bago matulog. That time lang ako nakaramdam ng takot sa dilim! Pinatugtog ko nalang ng malakas ang cp ko at mabilis naman ako nakatulog. Nagising ako ng 7am, I turned off my cp and went back to sleep, napansin ko na naka bukas ang desk lamp ko pero binaleWala ko nalang sa sobrang antok ko pa. nagising ako ng 10am, I checked my slippers on my pated’s bed side pero hindi naman nagalaw kaya naisip ko, hindi siya dumating. Maghapon ko inisip kung pano nabuksan yung desk lamp ko. Hindi ganon kabilis makapunta sa bed side ko para lang buksan ang desk lamp ko, masikip sa side ko at mabilis naman ako magising sa konting ingay lang. hindi ako nakatiis, tinxt ko si pated at hindi nga siya pumunta sa room. So, ano na? may kasama talaga ako dito sa room noh? Ang bait niya, ayaw niya ko matakot. Sana lang, next time buksan niya habang takot ako. Kaso binuksan niya habang tulog ako eh, gusto pa niya ko mag isip kung pano nabuksan yung desk lamp ko. Salamat. Errr… >_< Gusto ko malaman kung sino yung lagi kong kasama… tsk tsk… @_@

5 comments:

  1. nakakaloka nmn ate pam....kinikilabutan ako bang binbasa tong entry m wahahah...

    ReplyDelete
  2. haha! salamat merie... hahaha! madami pa yan! kaso hahaba lang eh, nakakainip na yung ganun. :)

    ReplyDelete
  3. waaaaahhhh,,ikaw n may ganyang kwento,, nakakatakot,,may creepy story din naman aq kaso ndi ganyan kadalas,, >.<

    ReplyDelete